Pasko, araw ng kapanganakan ni Hesus. Bawat tao ay nagdiriwang at nagsasaya. Buwan pa lamang ng Setyembre ang bawat tao ay naghahanda na para sa araw na pinakahihintay ng bawat tao.
Araw ng pagbibigayan, pagmamahalan at pagpapatawad ang araw ng Pasko. Lahat ay nagkakasundo, nasasaksihan ang bawat pagmamahalan ng pamilya. Sama-samang nagsisimba ang bawat pamilya pag-nagumpisa na ang simbang gabi. Upang matupad na rin ang bawat kahilingan ng bawat miyembro ng pamilya
Subalit sadya nga ba na bawat kaligayahan ay may kalungkutan din? Para sa akin mababaw lang naman ang kinainisan ko ngayon bago dumating ang pasko. Unang araw pa lamang ay nag-uumpisa na kami na mag-plano para mag-bonding, manuod ng sine kasama ang aking mga kaibigan. Kaya lang sa kasamaang-palad hindi na kami natuloy. Lagi na lang nilang sinasabi, "bukas nalang, sa isang araw nalang, sa isang linggo nalang. Hanggang sa wala na, hindi na natuloy. Nakaka-inis lang kasi tagal na nakaplano hindi naman na natuloy.
Isa pa palang nakakainis, yung mga nakatambak na gawain. Report, takda at kung anu-ano pa. Hay! sakit sa ulo.Kaya lang No Choice naman ako kung hindi gawin lahat ng dapat gawin. Ganon pa man, naging masaya pa rin ang pag-diriwang namin ng pasko. Isinantabi muna ang mga sakit sa ulo at nagdiwang ng pasko ng maligaya. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento