Huwebes, Disyembre 29, 2011

Babae... Hindi Paaapi

Mahina, hindi pwedeng lumaban at pang-kama. Iyan ang tingin sa mga babae noon. HIndi pwedeng mag-bigay ng opinyon dahil mga lalaki lamang ang laging tama. Mga babae na lagi na lamang nakaasa kung anuman ang ihahain ng mga lalaki,walang sariling kakayahan upang makipag-laban.

Siguro nga ganyan lang ang tingin sa bawat kababaihan noon, pawang mga pipi, bulag at bingi sa kanilang paligid. Luha lamang ang tanging naisasagot nila sa bawat pang-aalipusta sa kanila ng mga kalalakihan. Subalit, sa pagdaan ng mga araw at panahon may mga babae na nagging pangahas para ipaglaban ang kanilang karapatan. mga kababaihan na hindi papayag na maging alipin na lamang habang-buhay.

Sina Gabriela Silang, Teresa, Tandang Sora, Lisa, mga Liliosa at mga Lorena, ilan lamang sa mga kababaihan na nag-lakas-loob kupang ipahayag ang kanilang saloobin. Mga babaeng hindi natakot sa kaparuhasan maaari nilang harapin.

Sa pag-daan ng panahon, mas hindi nag-paapi ang kababaihan. Handa nilang ipag-laban ang kanilang karapatan kahit kanino man. Sa ngayon,. naging pantay-pantay na ang karapatan ng bawat lalaki at babae. Sadya ngang nakatulong ang mga babaeng unang nakipaglaban para sa kanilang karapatan. At dahil sa kanila wala nang sinumang babae ang maaapi kailanman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento