Huwebes, Disyembre 29, 2011

Diwa ng Pasko

Gumaganti na nga ba ang kalikasan sa ating mga tao? Dahil sa mga pang-aabuso at hindi natin pag-aalaga sa ating kalikasan. Marami nang trahedya at sakuna ang naganap ngayon pa lamang sa taon na ito. Marami na ang buhay na kinuha bilang kapalit ng pang-aalipusta nating mga tao sa ating kalikasan.

Disyembre, panahon kung kailan ang tao ay nag-sasaya, nag-diriwang at kinakalimutan ang bawat problema dahil sa ito ang buwan kung kailan ipinag-diriwang ang kapanganakan ni Hesus. Panahon kung kailan dapat ang mga tao ay may ngiti sa kani-kanilang labi. Subalit, kabaligtaran ang mga pang-yayaring dapat ay nagaganap sa mga taong nakatira sa Visayas. Dahil sa pag-dating ng Bagyon Sendong hindi magawa ng mga taong ito na mag-saya. Ilang araw na lang bago pa man sumapit ang kapaskuhan ng hagupitin ng Bagyong Sendong ang Visayas. Matinding pag-baha at pag-guho ng mga lupa na nag-sanhi ng pag-kamatay ng maraming tao at pag-kasira ng bawat kabuhayan ng mamamayan lalo na sa lugar ng Cagayan de Oro. Tinatayang mahigit isang libo na ang mga taong namatay at kasalukuyan pang nawawala.

Hindi nga naging maganda ang pagdiriwang ng kapaskuhan para sa mga taga-Visayas. Lalo na ang mga pamilyang nawalan ng minamahal sa buhay. Subalit, ,kahit sa ganitong sitwasyon naging mas matulungin ang bawat tao. Lalo na ang mga taong hindi naapektuhan ng bagyo. Maraming tao ang natulong tulong para makalikom na sapat na donasyon para maibigay sa mga taong nasalanta ng bagyo. Ang iba ay kapos man sa buhay subalit handa pa rin tumulong para sa kapwa. Ito nga ang tunay na diwa ng Pasko, pagbibigayan, pagtutulungan at pagkakaisa.


Nakakalungkot man ang pang-yayaring naganap may bagong pag-asa at bagong buha naman na haharapin ang mga taong nakaligtas. Pasko man o hindi ipagpatuloy pa rin natin ang pagtulong sa mga taong nangangailangan. Pagbibigayan, pagtutulungan at pagkakaisa ito ang tunay na diwa ng pasko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento