Mahina, hindi pwedeng lumaban at pang-kama. Iyan ang tingin sa mga babae noon. HIndi pwedeng mag-bigay ng opinyon dahil mga lalaki lamang ang laging tama. Mga babae na lagi na lamang nakaasa kung anuman ang ihahain ng mga lalaki,walang sariling kakayahan upang makipag-laban.
Siguro nga ganyan lang ang tingin sa bawat kababaihan noon, pawang mga pipi, bulag at bingi sa kanilang paligid. Luha lamang ang tanging naisasagot nila sa bawat pang-aalipusta sa kanila ng mga kalalakihan. Subalit, sa pagdaan ng mga araw at panahon may mga babae na nagging pangahas para ipaglaban ang kanilang karapatan. mga kababaihan na hindi papayag na maging alipin na lamang habang-buhay.
Sina Gabriela Silang, Teresa, Tandang Sora, Lisa, mga Liliosa at mga Lorena, ilan lamang sa mga kababaihan na nag-lakas-loob kupang ipahayag ang kanilang saloobin. Mga babaeng hindi natakot sa kaparuhasan maaari nilang harapin.
Sa pag-daan ng panahon, mas hindi nag-paapi ang kababaihan. Handa nilang ipag-laban ang kanilang karapatan kahit kanino man. Sa ngayon,. naging pantay-pantay na ang karapatan ng bawat lalaki at babae. Sadya ngang nakatulong ang mga babaeng unang nakipaglaban para sa kanilang karapatan. At dahil sa kanila wala nang sinumang babae ang maaapi kailanman.
anu nga ba?
Huwebes, Disyembre 29, 2011
Diwa ng Pasko
Gumaganti na nga ba ang kalikasan sa ating mga tao? Dahil sa mga pang-aabuso at hindi natin pag-aalaga sa ating kalikasan. Marami nang trahedya at sakuna ang naganap ngayon pa lamang sa taon na ito. Marami na ang buhay na kinuha bilang kapalit ng pang-aalipusta nating mga tao sa ating kalikasan.
Disyembre, panahon kung kailan ang tao ay nag-sasaya, nag-diriwang at kinakalimutan ang bawat problema dahil sa ito ang buwan kung kailan ipinag-diriwang ang kapanganakan ni Hesus. Panahon kung kailan dapat ang mga tao ay may ngiti sa kani-kanilang labi. Subalit, kabaligtaran ang mga pang-yayaring dapat ay nagaganap sa mga taong nakatira sa Visayas. Dahil sa pag-dating ng Bagyon Sendong hindi magawa ng mga taong ito na mag-saya. Ilang araw na lang bago pa man sumapit ang kapaskuhan ng hagupitin ng Bagyong Sendong ang Visayas. Matinding pag-baha at pag-guho ng mga lupa na nag-sanhi ng pag-kamatay ng maraming tao at pag-kasira ng bawat kabuhayan ng mamamayan lalo na sa lugar ng Cagayan de Oro. Tinatayang mahigit isang libo na ang mga taong namatay at kasalukuyan pang nawawala.
Hindi nga naging maganda ang pagdiriwang ng kapaskuhan para sa mga taga-Visayas. Lalo na ang mga pamilyang nawalan ng minamahal sa buhay. Subalit, ,kahit sa ganitong sitwasyon naging mas matulungin ang bawat tao. Lalo na ang mga taong hindi naapektuhan ng bagyo. Maraming tao ang natulong tulong para makalikom na sapat na donasyon para maibigay sa mga taong nasalanta ng bagyo. Ang iba ay kapos man sa buhay subalit handa pa rin tumulong para sa kapwa. Ito nga ang tunay na diwa ng Pasko, pagbibigayan, pagtutulungan at pagkakaisa.
Nakakalungkot man ang pang-yayaring naganap may bagong pag-asa at bagong buha naman na haharapin ang mga taong nakaligtas. Pasko man o hindi ipagpatuloy pa rin natin ang pagtulong sa mga taong nangangailangan. Pagbibigayan, pagtutulungan at pagkakaisa ito ang tunay na diwa ng pasko.

Miyerkules, Disyembre 28, 2011
Kasiyahan may Kalungkutan din
Pasko, araw ng kapanganakan ni Hesus. Bawat tao ay nagdiriwang at nagsasaya. Buwan pa lamang ng Setyembre ang bawat tao ay naghahanda na para sa araw na pinakahihintay ng bawat tao.
Araw ng pagbibigayan, pagmamahalan at pagpapatawad ang araw ng Pasko. Lahat ay nagkakasundo, nasasaksihan ang bawat pagmamahalan ng pamilya. Sama-samang nagsisimba ang bawat pamilya pag-nagumpisa na ang simbang gabi. Upang matupad na rin ang bawat kahilingan ng bawat miyembro ng pamilya
Subalit sadya nga ba na bawat kaligayahan ay may kalungkutan din? Para sa akin mababaw lang naman ang kinainisan ko ngayon bago dumating ang pasko. Unang araw pa lamang ay nag-uumpisa na kami na mag-plano para mag-bonding, manuod ng sine kasama ang aking mga kaibigan. Kaya lang sa kasamaang-palad hindi na kami natuloy. Lagi na lang nilang sinasabi, "bukas nalang, sa isang araw nalang, sa isang linggo nalang. Hanggang sa wala na, hindi na natuloy. Nakaka-inis lang kasi tagal na nakaplano hindi naman na natuloy.
Isa pa palang nakakainis, yung mga nakatambak na gawain. Report, takda at kung anu-ano pa. Hay! sakit sa ulo.Kaya lang No Choice naman ako kung hindi gawin lahat ng dapat gawin. Ganon pa man, naging masaya pa rin ang pag-diriwang namin ng pasko. Isinantabi muna ang mga sakit sa ulo at nagdiwang ng pasko ng maligaya. :)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)